Sunday, March 28, 2010

Changes

Cindy: People change for SOMEONE.

Napaisip ako sa sinabi ni Cindz. Oo nga naman..people change for someone, for something, for certain reasons..we change.
Nagbabago ang tao dahil sa mga kasama nya at makakasama nya sa buhay. Binabago sya ng panahon, ng lugar kung saan sya pumupunta, sa mga nakikisalamuha nyang tao, minsan sa mga problema nya sa buhay.

I've read a blog from Resurgence, he tackled why some people are afraid to change or "changes". Number 1 reason is we're afraid of the "unknown". Because the unknown can bring uncertainties, and we're afraid of that. Filipinos are very traditional, kahit pa we're adapting the westernized version of life. Kahit pa sabihin natin na iba na pinoy ngayon. Still, hindi parin tayo handa sa pagbabago. Marami parin ang takot. But, what if? Change can bring a new life? Maraming opportunities ang mabubuksan dahil sa handa kang magbago. Hindi ka parin ba hahakbang? Hindi ka pa rin ba lalabas sa lumang mundo? Well, meron tayong choice. God gave us free will and our government also. Nasa kamay mo ang buhay mo. Sabi nga sa tv, hawak mo ang pagbabago.

Thank YOU!

Bro..Thank You..

Thank You for the strength You gave and continue giving..
For the love You showed and continue showing..
For Your arms, I feel peace.
For Your words, I find truth.
Thank You for the new beginning..
For a fresh start.

Tuesday, March 16, 2010

There's a place called wonderland

Conversations between Mad Hatter and Alice:

Mad Hatter: You could stay.
Alice Kingsly: That's a crazy, beautiful, wonderful idea! But..I have to go. I have things to do and questions to answer. I'll come back before you know it. You are always in my dreams and I'll miss you when I wake up.

My favorite lines..

Sunday, March 14, 2010

Homily

"Lahat ng sobra..mali" sabi sa mass kanina..

Kaya dapat lahat sa katamtaman lang..dapat balanced. Kahit saang aspeto ng buhay, it should not be less or more, it should be in the middle.

Tamang tama pala ang sign ko eh, Libra, timbangan..Siguro, sa buhay ko..lagi akong maninimbang..laging andun ako sa point na, bago mag-cross dapat timbangin. Bago tumapak, dapat i-analyze ang mga bagay. Huwag dun sa kulang, huwag din dun sa sobra..sa tama lang..

Dapat sa TAMA lang..

Friday, March 12, 2010

Turning point

My original plan was, go for a haircut. Aside from mahaba na sya, there's this psychological effect that when you cut your hair..mababawasan ang iniisip mo. Nakakatulong sya makapagpagaan ng loob. Pero I decided to drop by at Buding and Hamilton's nest. It was a night of kwentuhan and a great dinner. Syempre, yung favorite ko..ensalada tapos may pusit pa..kalimutan na ang diet! :)

I am having coffee, nakatayo ako sa may door nila, Hamilton doing the chores and Buding eating chocolates. Ang saya panoorin na ang kaibigan ko ay papunta na sa stage of building a family. Way back in college, Buding was a billiard champion, pasaway sa klase, siga ng morayta, tanggera at gimikera. Pero ngayon, she's starting to settle down. Am very happy she found Hamilton, a perfect partner that can understand her mood swings, her kalokohan at mga immature actions nya.

Nilapitan ko ang coffee ko sa dining table. Start na ng kwentuhan. From Hamilton's life in mindoro na sobrang nakakatuwa up to the moment na pinakilala na nya si Buding as his girlfriend. Good to know that Hamilton's lola is in favor of her. They're starting to talk about their plans. From diapers, sa gatas na S27, yung mga limitations, mga iiwanang vices at babawasang gastos para sa pamilya. Nakangiti akong nakatingin sa kanila, sumasabay sa tawanan at sumasama sa bawat plano nila sa buhay.

I am very happy to see my friend grow. And wishing them the best of life! Congrats to Hamilton and Buding! And welcome to the "new" member of BNC family..