Thursday, January 28, 2010

Mga Sana..

Sana pag nagkita uli tayo..pwede na. Pwede na kitang alagaan, yakapin ng mahigpit at mahalin habang buhay.

Sana wala nang 4 rules. Sana yung tayo yung tama. Sana yung ikaw at ako yung pwede.
Sana nasa isang bahay lang tayo..yung katamtaman lang, yung ikaw at ako lang..
Yung pwede tayo matulog ng buong araw ng magyakap, yung di tayo titingin sa oras kasi hindi mo na kailangan umuwi..kasi akin ka na..Sana, sabay tayo laging kakain..para hindi ka na malilipasan ng gutom kasi nandito na ko.. Sana, tuwing gabi..ikaw kasama ko..magkukulitan bago matulog,magkakape ako habang nag ka-cafe world ka..Sana paggising ko tuwing umaga, ikaw ang unang makikita ko..ikaw ang unang yayakapin ko..ikaw lang..Sana kung mamahalin kita wala akong masasaktan at wala ka kailangang iwan. Sana tayo na lang. Sana ako na lang..at lahat ng sana hindi na lang sana..

No comments:

Post a Comment