Friday, May 28, 2010

Umuulan...

Umuulan..sign ba 'to ng problema?
Oo nga..kasi biglang nag-ring ang phone.
Kinakabahan ako. Sabi ko na nga ba babalik din yun.
Sabi ko na nga ba, magiging mahirap ang lahat.

Tumawag ang AA sa baba. Nandyan daw ang big boss.
Sinisingil na nya ko sa atraso ko.
Kinakabahan akong bumaba.
Pero kailangan kong harapin eh.
Ayoko na maging dagdag pa sa iisipin ng Nanay ko.
Alam kong kahit hindi sya nagsasalita,
Mahirap na dalahin nya ko.
Sabi ko na nga ba..
Hindi ko matatakasan yun.
Kailangang harapin.
Ang lakas ng tibok ng puso ko.
Sobrang lakas.
Sabi ng big boss kakausapin nya daw ang Nanay ko.
Next week daw. Mukang mabigat yun.
Sana maayos na.
Sana lahat lahat maayos na.

Nag-break lang ako para sumulat.
Bigat eh.
Mailabas lang.

No comments:

Post a Comment