Monday, April 26, 2010

Kaya mo yan!

Nag-aalala ako. Sobra.
Gusto kita yakapin ng mahigpit.
Yakapin ng matagal.
Para maramdaman mong nandito lang ako.
Gusto kong hawakan ang kamay mo ng mahigpit.
Para alam mong may kasama ka.
Hindi ka nag-iisa.
Ibigay mo sakin ang ilan mong dalahin.
Para gumaan ang iyong pakiramdam.
Pero alam kong kaya mo yan!
Sige lang, laban lang!
Kayang kaya mo yan.
Huwag kang susuko at huwag kang tatakas.
Dahil hindi iyon ang sagot.
At huwag mong kakalimutang magbigay ng ngiti.
Ipikit mo ang iyong mata sa panahong mabigat na.
Ramdamin mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo.
Ang mga tao na mahalaga sayo.
Para may lakas ka uling lumaban.
Alam kong matatag ka.
May puso kang mapagmahal.
Sapat na iyon para hindi sumuko.
Huwag kang mahihiyang humingi ng tulong sa Kanya.
Hindi ka mabibigo.
Alam kong, alam mo yan.

No comments:

Post a Comment