Tuesday, April 6, 2010

Learning in hard way..






..broke days..those were the moments I met pain.

I made this vid after a week ata (can't remember) when she broke up with me..
And this was my blog after the storm..I wrote this months or a year after the relationship. Marami akong natutunan. Sa isang book na nabasa ko, you dont have to change the person the way you want to see her. Every person has flaws, imperfections, shortcomings. I realized, binago ko sya..dun sa taong gusto ko. Hindi ko sya hinayaan dun sa taong gusto nya maging..mali ako dun..maling mali. I know, she's happy right now. And I'm praying, ganon din ako. In time..at pag nahanap ko na yung para sakin, I'll be better..better than before.


“IF YOU DO THE SAME OLD THING IN THE SAME OLD WAY, YOU WILL GET THE SAME OLD TIRED RESULTS.” – this was quoted by the author of the book I am currently reading. Eye-opener right? And you will realize it is TRUE. I was been in love with a lot of girls lately. Tawag nga nila dun, Calendar Girls, kasi naman every month, iba. Ako man hindi ko alam, pero aaminin kong may nararamdaman talaga ako eh. They amaze me. Siguro dahil sa maganda, o dahil sa sobrang nice. Para yata kasi akong sinumpa, after my almost 2 years na relationship sa sobrang babaeng minahal ko. Siya na yata yung masasabi kong greatest love ko. Pero yung greatest love ko, siya din yung nanakit sakin ng sobra. Ang daming sacrifices. Ang dami dami. Nandun yung naglakad ako mula Zuzuaregui hanggang bahay namin dahil wala na akong pera pamasahe. Pinan-date kasi namin. Minsan siguro mali ko din kasi pagdating sa girlfriend, ayoko silang pinapagastos. Ewan. Hindi dahil sa pride ah, dahil kasi pakiramdam ko, ako yung responsible sa gastusin, parang tatay lang. Pati pamilya ko, di ko na pinapakinggan. Basta alam ko lang, mahal ko sya at gagawin ko ang lahat mag-stay lang sya. Tanga ba? Hindi. Nagmamahal lang. Pake ba nila kung yun yung way ko eh, kanya kanya lang yan ng pagpapakita ng pagmamahal. Basta ang mahalaga, hindi mo sya niloloko. Tapat ka lang sa nararamdaman mo. Naku, baka siguro natakot sakin. Parang baliw lang kasi. Haha! Pero nung sinabi na nyang iiwan na nya ko, nung una, wala kong naramdaman. Parang manhid lang. Hindi ko rin alam yung tunay na dahilan kung bakit nya ko iniwan. Ang sinabi lang nya, kung kelan daw nya ko kailangan, saka ko nawala. Huh? Eh, lagi nga ko nandun eh. Baka ako lang nakakaalam nun. Baka masyado akong nalunod ng pagmamahal, nabulag na may problema na palang dapat ayusin. Ako pa ang insensitive ngayon? Ayos! Ang natatandaan ko kasi, lilipat ako ng bahay nun. Sa condo ako titira. Di ako mayaman ah, may kasama ko, share ng upa. May lakad kami dapat nun eh, tapos ginabi ako sa pag aayos. Nagtext ako na di na ko makakarating at dun na ako matutulog, tapos, ang sunod na lang na nangyari, nag text sya. Yung mga salitang hindi ko aakalain na masasabi nya. Ang sakit. Sobra. Huwag nyo na alamin, baka di nyo kayanin. Nun ko lang sya nakita ng ganon kagalit, kahit may mga away kami dati, pero lahat yun napag uusapan namin. Wala nga akong natatandaan na may sigawan moment kami eh. At kahit sa anong paraan, di ko sya sinaktan ng pisikal. Hanggang ngayon, naghahanap parin ako ng sagot kung bakit ganon yung nangyari. Pwede naman naming pag usapan ulit yun diba? Katulad ng mga dati naming away. Sabi ng marami, baka way out daw. Kumbaga, dati nang may problema pero di nya sinasabi at hindi sya makahanap ng way para makaalis sa relasyon. Baka mabait ako. Kasalan pa tuloy ngayon ang pagiging mabait. Baka spoiler ako, I mean binibigay ko yung gusto nya lagi. Pero diba pag mahal mo, kung meron ka namang ibibigay, bakit hindi mo gagawin? Haay, hirap! Pero minsan iniisip kong baka totoo yung napapanood ko sa TV, bigla na lang mawawala ang pagmamahal ng isang tao. Walang paliwanag, basta gumising ka isang umaga, hindi mo na mahal yung partner mo. Baka ganun yung nangyari. Lecheng araw yun ah! Kelan kaya yun? Di ko na lang iisipin kasi kahit ako na involve sa relationship, walang mahanap na sagot at hindi ko alam kung saan ko hahanapin. Masasabi mo na lang. Tapos na. Lahat ng sadness dinaan ko sa gimik, sobrang saya naman ang kasunod. Labas, Kembot with friends, gastos. Gastusin ang lahat ng pera na yan tutal akin naman yan lahat! Para kang nakawala. Parang lahat ng sinakripisyo mo, gusto mo ulit maranasan. Single = Freedom. Yan ang formula na sinunod ko. Pero, nakakapagod pala. Parang walang direksyon. Parang kulang kahit masaya. Parang di kumpleto. Ganon minsan ang pakiramdam ko pagkatapos ng isang gabing puyatan at gimik. Nakakapagod maging malaya. Minsan, nakakamiss yung mga away tapos magkakabati kayo. Nakakamiss yung after gimik night, may itetext kang isang tao kasi nag aalala sya sayo. Kaso yung taong yun, nasa ibang kamay na. Bakit ganon? Sya ang bilis nagkaroon ng bago? Bakit ako hirap na hirap? Diba ako ang nasaktan? Bakit ikaw ang minamahal? Minsan napapaisip tuloy ako kung nagmahal nga sya talaga kasi parang ang dali palitan lahat ng memories. Ganon na lang yun? Ganon kadali? Lalo lang nakakalungkot, parang may hinahanap ako. Gusto ko rin ng magmamahal sakin, gusto ko magmahal ulit. Gusto ko na ng masaya. Sino ba naman kasi ang ayaw diba? Unfinished business? Nah. Coz I’m over her. Pano ko nagawa? Diyos ko! Ang HIRAP! As in! Saksi lahat ng mga kaibigan ko kung pano ako dumating sa finish line, gapang kung gapang. Gumagapang na nga, may bakal pang nakalagay sa paa mo. Ganon. It’s worth it. Kasi in the process of moving on, you’ll get healed, you’ll be free and you’ll be a better person.

No comments:

Post a Comment