Friday, April 2, 2010

Stepdad

It's kuya bobot's birthday..my step dad. I wonder bakit kuya bobot ang tawag namin sa kanya hindi tito. Siguro nasanay na lang. I first met him nung 2nd yr college ako..I was 17 then, 8 yrs ago. But, believe it or not, we're not that close. Ang daming bagay pa ang hindi ko alam sa kanya. Pero, kung tatanungin ako..gusto ko naman sya for my mom. Bilib din ako sa kanya, kasi ang hirap kaya ng long distance relationship. Nakita ko naman talaga na mahal nya si mama. Biyudo sya, his wife passed away 10 yrs ago. Sabi ni mom, 2 yrs daw na wala ang asawa nya before they met. He's from valenzuela. He has 3 kids..puro babae..yung panganay, kasing edad ni ate,27..yung sunod kasing age ni allan, 21 and yung bunso, if I'm not mistaken, 13..I met them nung umuwi si mom dito at nag-ninang sya sa kasal ng common friend nila. They were nice, pero again..hindi ko sila close. I'm wondering what our life will be pag ikinasal na sila. Yep..they are planning to get married. Admitted, I was hurt nung nalaman ko..syempre naman diba? Pero am not selfish, if mom's happy..why not? First reaction lang siguro talaga na totally..andun na yung reality na my mom and my dad are not going to be okay. Wala na. Dead end na for them. Tapos na story nila. Para bang lalagyan na ng tuldok. And, masakit yun. I remember saying it to ate. My ate is kind, kindest samin..sya yung tipong dapat ka nang magalit pero hindi parin sya nagagalit. Kaya okay lang sa kanya. Mas okay sila ni kuya bobot. They're texting, hindi katulad ko. Am not sure why I've been in this situation..yung okay lang..kung ano na..yun na..hindi ko naman masabi na mom, nasaktan ako nung nalaman ko yung plan. Siguro the most hurting part lang is yung ni-compare nya ko kay kuya bobot about how to handle my finances. Sobrang magastos daw ako unlike him. I was crying and told her that, she does not have to compare me with him. Dahil magka-iba kami. In a lot of ways, magkaiba kami. From then, yung 1km na layo namin, dumoble..ang hirap..at masakit..i really have dad issues..Sana si allan, my younger bro, will be a great dad. Well, kuya mike, ate's hubby, is a great dad to mai and soy..and he's been a great hubby to my ate. As I'm writing this, naririnig ko that kuya bobot is cooking. Yun naman yung gusto ko sa kanya, magaling sya magluto..mas magaling pa kay mom. Masarap yung pansit nya at pastel. And he has electrical and carpentry skills. Marunong sya sa halos lahat ng pang tatay na trabaho. I wonder what are my dad's skills. Ganun din kaya sya sa bagong family nya? Mapagmahal kaya sya? Mga tanong ko na malayo o baka hindi na masagot. I really wish for my mom's happiness. Kung masaya si mom, dun ako. Alam kong may nakita si mom na maganda sa kanya, why she chose him. 8 yrs is 8 yrs..i know that he is a good person, sana dumating yung time na yung mga madaming bagay na hindi ko alam sa kanya..mabawasan kahit papano..I can see a dad in him..sana mabigyan kami ng time and chances..for now, I'm thanking him for making my mom happy..

No comments:

Post a Comment