Tuesday, December 29, 2009

BF

Honestly speaking, malungkot ako. Nakakamiss din yung mga sweet texts, someone who'll say how special you are, kahit yung mga little things like holding someone's hand or telebabad every night. But one of the things I miss most is "in the sea of strangers". Eto kasi yung bansag namin ni tetai sa moment na yun. Eto yung close-up commercial, yung moment na in the sea of strangers, sa dami ng taong makakasalubong mo, isang mukha lang hahanapin mo, isang ngiti lang ang makakapagpa-satisfy sayo..at pag nakita mo na sya..you can't utter any word..you will just smile..at sa isip-isip mo..sya yun. Matagal-tagal narin yung last time kong na-feel yung moment na to. Sobrang gusto..sobrang gusto ko na sya ma-meet..yung taong yun. The person who can give so much happiness. Pero, sa tingin ko..malayo pa..matagal pa..bago uli. Kasi yung gusto kong ka-moment, may ka-moment ng iba. Then someone came along. I can feel that she cares, masarap yung feeling na may magtetext sayo ng "ingat ka..". Flattering words like "i like you.." But, it will be complicated. Kung iisipin ko ang sarili ko, maraming masisirang bagay..maraming masasaktan..pero diba tao lang ako? Ano bang pakialam ko sa kanila..basta ko masaya..But, am i ready? Am i ready to be hurt again? At kaya ko bang saktan ang ibang tao para lang maging masaya? Kasi kahit sang anggulo mo tingnan, wala ding patutunguhan kasi she has responsibilities na kahit kailanman, hindi nya pwedeng talikuran. Hindi ko alam ang gagawin ko..sa biro nyang BF na tawag saken, baka magkatotoo..

No comments:

Post a Comment