Friday, April 9, 2010

Happy Silver Birthday Tetai!




Taken when we were doing a mag for marketing. 3rd yr college. National Bookstore, Recto. Our first picture together.

Just got home from Tetai's birthday celebration. Pinoy deli..lechon, pansit, rellenong bangus, hipon at marami pang iba..sarap sarap! BNC were there, sayang wala si bern..mas masaya sana.. I invited Ms. Ces (kala mo birthday ko e.. haha!), nandun din si Soy and Chins of course! Dumating din si Kirkee aka Kuya Kim. Hahaha! Humabol din si Marion..May mga moments na nangyari..nabad-trip si Vin because of Buding's joke..

MOMENT 1:
Yan: Pinaglilihian mo si vin noh? (to Buding)
Ding: Oo nga e, gusto ko kasi gwapo anak ko pero yung magiging anak ko, hindi favorite color ang red..green ang favorite nya.
Crowd: Ooooohhhhwwww....
Vin: Tang*na! Walang ganyanan!
Walk out si kuya..

Nagulat kami sa reaction ni Vin. For me, parehas silang mali. Medyo di swak sa panahon ang banat ni Buding pero medyo OA si Vin. Dapat kilala na nya si Buding na ganon talaga sya bumanat. College days pa, prangka talaga si Buding.

MOMENT 2:
Habang gulat ang lahat sa reaction ni Vin. Umupo si tita samin (Tetai's mom). Kwentuhan about elections..mga napupusuan na iboboto..then, bumanat si Tita:

Tita: (Habang nakatingin sakin) Alam mo, may naaalala ako..Si John..
(...John was Tetai's past.I first met him, Bday ni tita at sa bahay din nila..that was 4 or 3 yrs ago..)
Yan: (Hindi alam ang gagawin) Tita, wala na po ako balita sa kanya eh..pero friend ko sya sa facebook.
Tita: Hindi ba kayo nagtetext?
Yan: Hindi ko na po alam ang number nya e..nawala po kasi ang phone ko before.
Tita: Alam mo naman ang bahay nya diba?
Yan: Opo, sa filinvest.
Tita: Puntahan mo naman sya minsan..nami-miss ko na rin sya..
Yan: Sige po tita, minsan yayain ko sya dito..
(Sinisiko ko si Jena at ang tingin ni Buding saken ay may kasamang pagtatanong..hahaha!)

MOMENT3:
Di pa kami nakakapag-move on sa binanat ni Tita..May kumakatok..
"Best, (referring to tetai) pahingi ng barya sa tricycle.."
Tetai: Barya? eto oh. (inabot nya sa pinto)

Then..may pumasok..it was Marion. Nagulat ako, though I knew she's coming because in the first place, she's Tetai's bestfriend. But..it was awkward..seeing her after months and knowing that we're not okay was a bit uncomfy.

Marion: (to Buding) Hi Buding! Namiss kita!!! (hugging each other) Hi Jena! Si Melvin?
Buding: Nako..nag walk out si koyah..
Then, tuloy tuloy na sya sa dining area.
She's super tan kasi kakabeach.Tumaba sya ng sobra. Sa FB page nya, I saw, she gained 6 kilos. Bagay naman..and I can see that she's happy with Lana..Well, I am happy to see her kahit the whole night, hindi kami nagpansinan.

After eating, watching SNN and kwentuhan galore. We decided to have coffee in Sbux Morato.

MOMENT4:
Buti sumunod si Vin sa Sbux after the walk-out scene. Hinatid nya pala si Chins at nagpalamig ng ulo.Because it's Tetai's 25th birthday, naglaro kami ng game..magsasabi kami ng 25 Facts about him..paikot sya..first is Ms.Ces..

1.Ms. Ces: Mataray

2.Yan: Laging late.
Fact: Ang pinakamatagal nya kong pinag-antay ay 3 hours during our marketing defense.

3.Vin: Adik sa UAAP!!!
Fact: During college, pinagpapalit nya ang klase sa uaap, kahit absent basta makapanood lang.

4.Kirk: Coffee Addict.
Fact: Nakasama na nya si tetai ng whole day na puro kape lang.

5.Soy: Sya ang unang nag-approach kay John.
Fact: Mcdo q.ave yun ng makita nya si John, wearing his feu uniform..Hindi nahiya si kuya at umupo ito sa tapat ni John at inalok ng crinkles and the rest is history.

6.Jena: Nagtago sya sa likod ng cabinet.
Fact: John's place ang set up..hindi alam ng kuya na may kasama si John sa kwarto..kaya nung kumatok ito at may kukunin na something, mega tago si choova.

7.Ding: Rhyming words.
Fact: During their bum days, napa-uso nila ang rhyming words like kainis ipis, malamang komang, uki butiki at marami pang iba.

8.Marion: Flexible.
Fact: You can talk with him from non-sense things to sensible topics.

9.Yan: Caramel Frappe, coffee based.
Fact: Favorite drink nya sa Sbux.

10.Vin: Blush on.
Fact: Nung college pa kami, nagtataka ang lahat bakit red cheeks si kuya at nung naging close kami. Inamin nya na naglalagay sya ng blush on. Hahaha! Buti ngayon, tinigil na nya yun..hahaha!

11.Kirk: Paminta.
Fact: Nung unang nakita ni Kirk si Tetai, that was 2002. Alam na nyang paminta ito at inamin ni tetai kay kirk yun nung 2007 lang. At sa same sbux store kung nasaan kami..

12.Soy: Gym buff.
Fact: Kaya nya ang 500 sit-ups.

13.Jena: Heart throb.
Fact: Pag hindi pa nag asawa si Jena ng mga 40 something, gusto nyang mag-kaanak kay Tetai. At tumawa lang ng malakas si tetai sa offer. Hahaha!

14.Ding: Crisostomo Ibarra.
Fact: He played Crisostomo Ibarra nung presentation namin ng Noli sa Rizal nung college. At si Buding ang Maria Clara kaya puro kalokohan ang nangyari.

15.Marion: Manila's hottest.
Fact: Favorite radio station nya ang magic at favorite radio show nya ang spooky nights.

16.Yan: Arian.
Fact: we have the same name, dahil nung pinanganak sya, caesarian si tita. Kaya pag tinatawag sya ni Tita, paheras kaming nalingon.

17.Vin: Fast-food Fanatic.
Fact: fries and burger:mcdo, chicken: jollibee and chinese food:chowking

18.Kirk: A real friend.
Fact: Si Tetai ang napapagsabihan nya ng mga secrets nya coz he knows na safe ang mga yun.

19.Soy: Madam Claudia Buenavista.
Fact: Sobrang nagagaya nya si Jean Garcia at sobrang nakakatawa!

20.Ding: Galera Goer.
Fact: Simula nung Galera tradition, ngayon lang sya nag-miss. Last 2007, twice syang pumunta dun at ang pagitan lang ay 2 months.

21.Marion: Ana Fernandez.
Fact: Nagkaroon din naman sya ng girlfriend, si Ana Fernandez nung high school sya.

22.Yan: Artist.
Fact: Sobrang galing nyang magsulat ng poem kaya nagkakasundo kami. At magaling syang mag-sketch.

23.Vin: Dependable.
Fact: Laging ready ang house nila Tetai sa mga friends nya. Nakitulog na dun si Vin, ako, kirk, at megz. At after uaap games, sa bahay lagi nila ang tuloy at dun nakiki-dinner at nakiki-internet ang mga beki.

24.Kirk: Sbux Career.
Fact: Sobra syang adik sa sbux at nagtrabaho din sya dun as Accounting Assistant pero nung last days nya, umabsent sya because of FEU-LaSalle game at the araneta.

25.Marion: Seeing the good in others.
Fact: Kahit laitera si tetai, pag nag-confess ka sa kanya about someone, laging nya iniisip na may something positive, something good sa tao na yun. Lagi syang may sense of balance.

I was with him, Buding and Jena on the night of April 7th, and able to greet him a Happy Birthday when the clock ticked at 12mid. And I was with him until April 8 was over. And hoping to be with him when he celebrate his Gold birthday..syempre with the rest of the bekis! :)










No comments:

Post a Comment