Thursday, April 22, 2010

It hit me.

I saw my friend's status message, "Mahal mo ba talaga ang isang tao kung kaya mo syang tiisin?"

I was affected. I even put that as my status msg in ym. Cindy answers back, put this in her status msg "Yan: Hindi mo kayang tiisin ang taong mahal mo. Hindi totoo yan." I answered her ,in my case, tinitiis ko ang taong mahal ko kasi yun ang hinihingi ng pagkakataon. Depende yan sa sitwasyon. Tama naman diba? Sa totoo lang, hindi ko naman gusto to. Sino ba ang ayaw makasama ang taong mahal nya? Hindi kahit kailanman kayang i-kwestyon ang pagmamahal. Kasi may mga pagkakataong dahil sa sobrang mahal mo sya. Kaya mong mag-sakripisyo at talikuran kahit pa ang iyong nararamdaman dahil yun ang tama. Kaya mong magparaya kasi hindi mo kayang isipin na magiging mahirap para sa kanya ang sitwasyon. Masakit. Sobrang sakit. Pero kakayanin mo kasi kailangan. Panahon lang ang makakapagsabi kung kailan pwede ka na tumakbo papabalik sa kanya, na pwde mo na sya lingunin. Na kaya mo ng sabihin, kahit kailan, hindi na kita titiisin kasi panahon na natin to. Hindi mo na kailangan bumitaw kasi tayo naman. Ikaw, kaya mo bang sagutin ang tanong na yan?

No comments:

Post a Comment