Wednesday, April 21, 2010

Puno ng mangga.

I remember, there was a mango tree in our backyard when I was a kid. It was planted when Ate was born. Sabi ni Nanay, yakapin daw namin yun pag may sakit kami or masama ang loob namin o di kaya nalulungkot. The mango tree will absorb all the negative things we feel. Pero pag malungkot ako, I climb in it and feel the cold air. Ang sarap pakinggan ng mga dahon at damhin ang kapayapaan ng sandali. After attending mass, umaakyat ako dun kasi malilim at nagpapalipad ng saranggola. Minsan, dun ako nangangarap na sana magkaroon ako ng sarili kong bahay kasi ang view from the mango tree ay ang madaming bubungan ng mga bahay sa baranggay namin. May malaki, may maliit, may maganda, may simple lang. Dun ako nag-iisip, nagpapalamig pag napapagalitan at minsan nagtatago pag ayaw matulog sa tanghali. Ang sarap ng bunga nun, ang tamis! Every summer yun namumunga ng sobrang dami. Inaakyat namin sya ng kapatid kong bunso para pitasin ang mga bunga. Tuwang tuwa kaming pinagsasaluhan yun pag hapon. May dumating na bagyo na sobrang lakas. Natatandaan ko nun, high school na ko. Sa sobrang lakas nya, naputol ang isang sanga ng punong mangga. Sabi nila delikado daw kaya kinabukasan, pinaputol sya. Ang alam ko 16years old yun bago nawala. Kasi kasing edad ni Ate yun eh. Lumipas ang panahon, hindi ko alam, may isang punong mangga ulit na mapapamahal sakin. Isang punong mangga na palipasan ko din ng pagod, ng inis at ng init ng ulo. Pero hindi na bubungan ang nakikita ko mula sa pagkaka-upo ko. Mula doon, hindi na bahay ang pinapangarap ko, isang tao na mahal ko.

No comments:

Post a Comment