Thursday, May 6, 2010
Something new..part 1
Thanks Bro for yesterday. It was such a nice meeting that made me soo happy!
Please give me patience..
Tuesday, May 4, 2010
Something new
I hope it will push through.. :) Tomorrow, I'll meet someone that could help me out in achieving this goal. I will do this for a very special reason..I hope I could make her smile with this and hoping it will not be late. But for me to achieve it, I need perseverance, patience and lots of hardwork. I can do this! I will! *wink*
Time to freshen up! Will sleep early tonight for I have to finish my workload at sharp 5 tomorrow. Hehehe.. Bye for now..
...before I log out,
Bro, please help her out. I may not be there in those times that she needed someone, my prayers are with her. Please hug her for me and give her a brave heart.
Thanks a lot for this day..
Sunday, May 2, 2010
Moneya Marione Ranga-Doloritos
I was planning to blog a person that made an impact in my life, we're not talking about years..pwedeng yung nakilala ko lang habang bumibili ako ng yosi sa kanto o yung pinaka matalik kong kaibigan which is my first victim here..hehehe..Moneya Marione Ranga-Doloritos. She's from General Santos. City that produces great tasting tuna and yes, great boxer too! According to her, Moneya means money. She has a second name that is similar to my past, Marione, minus the e. :) Ney, as I call her,has been there. Physically present man o hindi. She continues giving me support in all aspects. November 23, 2006, in one of the units in RCBC, I met her. It was NEO (New Employment..I forgot the O..err..)for new employees of Sykes. I was rushing to get in, when I entered the room, naghahanap ako ng mauupuan..a girl in white longsleeves, has a big smile and welcoming aura was waiving..lumapit ako. She said, "Dito kana umupo." Tinanggal nya yung bag nya na para talagang naka-reserve for someone. She has a big back pack. Sabi ko, para namang nag-hiking ang lola mo. She began to talk, "Hi I'm Ney." Sabi ko, "AR"..then we smiled. Then the rest is history..haha. Surprisingly, we had same account, Ameriprise Financial. So we had lots of time to get to know each other. Dun ko din nalaman that she was a graduate of Political Science and a 3rd year law student. (Hindi halata ah..haha!) Dahil sa sobrang hirap ng account namin, at ang best effort lang namin na ginawa ay ang kumain ng shawarma sa 7th floor ng RS (robinson's summit) at ang mag-worry..lagpak kaming dalawa. Ameriprise back office absorbs us. Someone called me for contract signing in One San Miguel,Ortigas, again..surprisingly, Ney was there..(kita mo nga naman. :p) That someone called her also. We both signed a contract for Ameriprise as a trainee. She met Marion. We belong in one team, I think we were destined to be with each other.(Nux!)It was a roller coaster ride! Laugh,tears,gimiks, and a tiring work! Dumaan yung time na broke ako because Marion and I got separated. She was there in every moment until naging okay ako. I remember when she's planning to get married, kailangan na nya umuwi. Her flight was in the morning. Kailangan nandun na sya sa airport ng 5am. Akala nya, hindi ko sya ihahatid. Then on that morning, I called her. "Nandito na ako sa baba." She was very surprised. I brought her sa airport. I remember, I was crying nung nakapila na sya. Parehas ng feeling nung hinahatid namin si Mom nung bata pa ako. Masikip sa dibdib to see her go. She was on leave for one month. Then she got married after few months. Sadly, hindi ako naka-attend. She was living in gensan now for a year. I missed her a lot! As in badly missing her. I miss our talks..never ending talks in ayala. Buti na lang, natupad yung dream namin na makapag-kape sa tagaytay. :) Sabi kasi namin, magkakape kami sa every starbucks store in makati. Dun kasi kami nag-eenjoy. We both love coffee! She is my best friend..my best buddy ever! I won't promise pero I hope I could see her this year. I made the vid I posted few days she left to gensan. I was so sad and seeing her photos made my heart cry. I love you Ney! Thanks a lot for the wonderful years of friendship!

When she got married. Sayang wala ako dun to witness her walking down the aisle.
Celebrating new year in ayala. January 1, 2008.
A well deserve rest.
Saturday, May 1, 2010
Last week of April.
Monday and Tuesday: Late umuwi because of deadlines
Sobrang saya na sa office kasi back on board na si Ma'am My. Namiss ko talaga sya at mas masaya talaga pag andyan sya. Feeling ko secure ako. There's something in her na when she's around, laging everything is okay..everything is manageable. Thank you Bro for bringing Ma'am My in our lives. :)
Nung monday, nasa office si Gabs. I enjoyed talking with him kasi ang smart talaga nya. Ang dami dami nyang kwento katulad na lang ng alamat ng saging. Na-miss ko tuloy mga pamangkin ko. After 5, pag wala na ko ginagawa, Manang and I shares yung mga food na nasa pantry. We eat and we share stories. Di ko na minsan namamalayan ang oras.
Wednesday: Dinner, Inuman session @ ujam and first kembot with Tetai's new love!
Dami ko din kembot with BNC pero hindi kami kumpleto lagi. Si Buding, buntis at di pwede gabihin..si Tetai, laging closing..si Bern nasa lipad. Kami lang ni Vin pwedeng magkita. Kaya nung inuman, nagkaroon kami ng chance na mag heart to heart talk. Nakuha ko na rin ang side nya dun sa "red thingy issue". Kahit tapos na yon, at least, naintindihan ko sya. Nakakatuwa din kasi sinama na ni Tetai ang bagong nagpapatibok ng puso nya. Haha! After 2 years of being single, finally..may sinama na ulit sya. Happy for you choova kahit na madaya ka kasi iniwan mo ko..ako na lang single samin! argh!
Thursday: Karinderya escapade with Chins and Ms. Ces
In preparation sa Ironman2, I should watch the first part. Kaya I borrowed Vin's dvd of Ironman 1 which na kay Chins. Met her up sa washington with Ms. Ces and had dinner narin with them. Super fun kasi ni-kwento ko yung mga "sablay moves" ko kay Ysa. Super halakhak silang dalawa. Pero kahit tinatawanan ko na lang yun ngayon, ayaw ko na maulit yun. It made me realized, wag mo na pilitin ang isang bagay na sobrang obvious na di para sayo.
Friday: Part 2 dinner with Chins and Ironman 2 experience with Vin
Nagkita kami ni Vin sa standard chartered ng 6pm. We decided to walk na lang from rufino to G4 kasi sobrang traffic. Umulan ng malakas, buti na lang dun kami sa walkway. Pagdating namin, sobrang daming tao! Kaya pumila agad kami. Ironman 2 was shown in Glorietta's 5 cinemas pero all seats ng 2D weren't available anymore. Grabe! We suppose to get the 8:30 screening time pero pati yung 11pm wala narin. Ang pinaka early ay 10:30 pero di na 2D. Nakakalungkot coz di na nakasama si Chins kasi her shift is 11:30. 2 and a half hours ang Ironman. Sinugod namin ni Vin ang ulan at pumunta kila Chins para tumambay muna. Dinner and tambay sa apartment. At 9.30pm, umalis na kami. Tambay muna sa smoking area while having iced tea habang nag-aantay. By 10.20, pumasok na kami. Ang dami daming tao. Sobrang puno! Ironman rocks! Fan na ko ni Robert Downey! Hahaha! From the start of the film hanggang matapos, di talaga nawala ang attention ko. Astig ang mga gadgets nya and I can't wait for the next Ironman which kasama na si Thor. Went home at 1am. Nakarating sa bahay ng 2am.
Saturday: Mixed Emotions.
Kahit nakauwi ako ng 2am sa bahay. I can't sleep. Naaalala ko sya. I read her text msgs. I've been thinking about her almost every hour. And been missing her. Galit ako. Malungkot ako kasi wala akong magawa. Ang pinakamahirap pala ay yung wala kang magawa, wala ka kasing laban. At tatanggapin mo na lang lahat lahat. Masyado ng masakit. Masyado ng mahirap. Kailangan ng talikuran. Sana kayanin ko. Bro, please help me.